Kalungkutan ng indibidwal
Ang kalungkutang nararamdaman ay laganap na literal na pinapatay ang mga maraming indibidwal.
Kahit sino ay nakararanas ng kalungkutan sa lahat ng oras na nalalagay sa panganib ang isang tao na maaaring maka-develop ng physical at mental illness. Kasama pa ang sakit sa puso, kanser, diabetes, at depression. Ang kalusugan ng publiko ay kailangang ma-address sa malawakang pananaw.
Pero sa bawat level ng kalungkutan ng individual ay puwedeng harapin. Ang isang strategy ay parang paglalaro ng chessboard na bago maging busy ay kailangang maghintay ng may kalaban. Kung kaya huwag ilayo ang sarili sa pag-iisa. Matutong mag-volunteer na makisalamuha, makipag-bonding, makihabilo o pakikipag-usap sa ibang kaibigan, classmates, at higit sa lahat sa pamilya na puwedeng makipagtulungan sa mga project sa komunidad.
Lalo na ang mga teenagers at senior citizens na nakararanas na parang nababalewala. Tulungan natin ang miyembro ng pamilya na lumabas sa kanilang comfort zone upang mabawasan ang kalungkutang nararamdaman nito.
- Latest