Love life o career?
* “Kung bibigyan ako ng pagkakataon, career. Mas maganda sana ang buhay ko ngayon kung inuna ko muna ang career. Nagpadala kasi ako sa pressure na kesyo nagkakaedad na ako at mahihirapan manganak. Ayun after ng kasal ko wala na yung mga opportunity na pinalampas ko.” - Jane, Manila
* “Love life siguro, madali naman makahanap ng trabaho. Pero yung love life mahirap mahagilap. “ - Carol, Zambalez
* “Kalokohan na ipa-priority ang love life na yan. Kaya ka nga pinag-aaral ng magulang mo para magkaroon ng magandang career na eventually ay maayos na future. Dapat pareho kayo ng vision na i- push muna ang career kaysa sa love love na yan.” - Michelle, Makati
* “Naku may love life ka nga, pero pareho kayong nganga. Kaya nga hindi umaasenyo ang ‘Pinas dahil umaasa lang sa magulang at gobyerno dahil sa mga inuna muna ang kati ng katawan na bulag kuno sa kanilang love life. Kaysa pag-aaral muna ang intindihin.”- Mabel, Negros
* “Dapat balance ang
buhay. Priority ang career at hindi dapat hadlang ang love life sa trabaho. Kundi dapat nagbibigay inspirasyon. May love life ka nga wala ka naman career na pagkukunan mo ng pera. Para maging happy ang life. Pag-aawayan din naman ninyo kapag pareho kayong walang trabaho at pera. - Sandy, Batangas
- Latest