Lalaki pinutulan ng ari matapos ang dalawang araw na erection
Isang lalaki sa India ang kinailangang putulan ng ari matapos umanong magkaroon ng gangrene mula sa erection na nagtagal ng dalawang araw.
Ang hindi nagpakilala na 52-year-old na lalaki ay nagpunta sa mga doktor dahil hindi na raw niya matagalan ang sakit na dulot ng pagtigas ng kanyang ari.
Naiwanan daw kasi niya ang isang catheter sa ari, dahilan para maipit ito ng husto at mag-develop ng black gangrene.
Wala nang nakikitang ibang option ang mga doktor kung hindi ang putulin ang kanyang ari, nakitaan kasi nila ito ng senyales ng severe tissue damage na sanhi ng acute loss of blood circulation.
Ang mga detalye ng nasabing case ng lalaki ay nai-published sa northern India noong nakaraang buwan sa British Medical Journal.
Priaprism diumano ang tawag sa nangyari sa nasabing lalaki, medical term sa isang persistent at masakit na erection.
Ayon sa mga eksperto, sickle cell disease o paggamit ng illegal or legal prescription drugs para sa pagtigas tulad ng Viagra ang dahilan ng Priaprism.
Tatlong linggo matapos ang operasyon, nakaka-ihi na ng maayos ang lalaki, magaling na rin ang kanyang sugat mula sa pagkakaputol ng kanyang ari.
- Latest