Benepisyo ng luya
Alam n’yo ba na ang luyang sangkap sa kusina ay pwedeng-pwede at epektibo palang gamit sa pagpapaganda? Pero bago subukan ito, mas mabuti kung kumunsulta sa doctor lalo na sa mga may allergy.
Narito ang ilan sa mga benepisyo ng luya:
• Pangtanggal ng peklat, kulubot, at marka ng taghiyawat sa mukha – Ihalo ang dinurog na luya sa yelo at ilagay sa mukha. Gawin ito isa hanggang dalawang beses sa isang linggo.
• Namamagang balat – May anti-inflammatory property ang luya na nakatutulong sa namamaga o pagod na katawan. Maganda rin ito sa pagdaloy ng dugo sa ating katawan.
• Mapanatiling aktibo ang pag-iisip – Marami nang pag-aaral ang nagsasabing nakatutulong ang pag-inom ng luya para mas maging aktibo ang utak ng mga tao. Pinaniniwalaang nakatutulong din ito para maiwasan ang pagkakaroon ng Alzheimer’s disease.
- Latest