Benepisyo ng Ehersisyo
Maraming tao ang naghahangad maging maganda sa natural na pamamaraan. Ngunit, paano mo nga ba ito makakamit?
Bukod sa nasa kalooban ng isang tao ang tunay na pagiging maganda, dapat ding bigyang-pansin ang ating katawan at hindi lang puro mukha.Ang subok nang paraan ay ang pag-eehersisyo. Heto ang ilan sa mga benepisyo nang madalas na pag-e-exercise:
Mababawasan nito ang stress kaya mapapatagal ang pagtubo ng mapuputing buhok sa iyong ulo.
Mababawasan ang banta ng stroke, sakit sa puso, at cancer. Kung ikaw ay may asawa na, nakabubuti sa iyo ang balance exercise dahil napatunayang mas mapapaligaya mo ang iyong mister/misis kapag ikaw ay madalas magpapawis.
Mas iinit pa ang inyong sex life dahil palaging unat ang iyong katawan sa ehersisyo.
Ang pag-eehersisyo ng 30 minuto kada araw ay nakaka-stimulate ng brain chemicals. Dahil dito, mas magiging relax ang iyong mood at magiging masaya ka. Gaganda ang iyong postura at tamang tayo.
Madaragdagan ang iyong muscle sa katawan kaya hindi lalaylay ang iyong balat. Mas gaganda at sasarap ang iyong tulog at dahil dito, mababawasan ang iyong eye bags at pamumugto ng mga mata.
Mapapabilis ang pag-produce ng collagen ng iyong katawan na siyang responsable sa pagkakaroon ng mas bata at makinis na kutis.
- Latest