Problema sa hormones
Kung nahihirapan matulog at hindi maganda ang tulog malaking parte nito ay dahil sa inyong hormones.
Ang progesterone ay isang hormone na inilalabas ng ovarries upang makatulong na makatulog.
Kapag mababa ang levels ng hormone kaysa sa karaniwan, ito ang maaaring dahilan kung bakit nahihirapan makatulog. Tuwing mababa ang estrogen, ito ay puwedeng maka-trigger ng hot flashes na nagreresulta ng sobrang pagpapawis sa gabi kaya hindi makatulog na parehong dahilan ng kawalan nang sapat na pahinga sa gabi.
Samantala, normal na magkaroon ng acne bago magkaroong ng monthly period, pero kapag pagkatapos ay hindi pa rin nawawala ang pimples ito ay maaaring sintomas na mayroong hormone problems.
Ang sobrang androgens na parehong mayroon ang babae at lalaki na isang klase ng hormone, dahilan ito para masobrahan ang trabaho ng oil glands.
Ang androgen ay nakakaapekto sa skin cells at sa paligid ng follicles sa buhok. Ito ay parehong dahilan din para mabarahan ang pores na pagsisimulan ng acne.
- Latest