Hormone imbalance
Importante ang hormones na bahagi rin ng ating kalusugan.
Kung feeling bloated, irritable, at balisa baka puwede itong isisi sa pagkakaroon ng hormone imbalance.
Ang hormones ay chemical messenger na malaki ang impact kung paano mag-function ang mga cells at organs.
Normal na magbago ang level ng hormones na mag-shift sa iba’t ibang oras ng buhay. Lalo na tuwing buwanang dalaw ng mga babae, sa mga buntis, at nagme-menopause. May ilang medicational at health issue na puwedeng dahilan na mawala, tumaas, o bumababa ang nararamdamang hormonal imbalance.
Kalimitan ang period ng mga babae ay 21 – 35 days ang cycle. Kapag hindi dumarating sa parehong date ng buwan, lumalampas ang buwan, maaaring ibig sabihin ay masyadong marami o konti lang ang hormones na estrogen at progesterone.
Kung nasa 40s o mas maaga sa 50s ay maaaring ang dahilan ay perimenopause o bago ang menopause. Pero kung irregular ang period ay puwedeng sintomas ng health problems gaya ng polycystic ovarian syndrome (PCOS). Kaya kailangan magpakonsulta sa inyong doktor.
- Latest