Temperature Control sa Loob ng Bahay
Pagpasok pa lang sa isang eskuwelahan o opisina na minsan ay mahirap matantya ang mood ng isang lugar. Kung warm, cold, kumportable, o in tense ang paligid. Lahat ay puwedeng maging thermometer. Pero ang mga magulang ay hindi ginawa para maging thermometer sa mga tahanan, kundi bilang thermostats. Dahil ang thermostats ay hindi lang basta binabasa ang temperature, kundi nagsisilbing guide ito para magkaroon ng determinasyon kung paano gagawing warm o cool ang temperatura ng bahay.
Gaya ng mga magulang na inaalam kung ang home environment na puwedeng maging fun, peaceful, authentic, o safe. Gustong gawing tahimik na sanctuary ang tahanan kung saan maaaring maging lugar ng joy, comfort, at happiness kasama ang buong pamilya. Pagkatapos ng maghapon sa bawat miyembro ng pamilya mula sa labas ng bahay sa magulong mundo.
Maaaring nahihirapan sina nanay at tatay na mag-adjust sa climate ng kanilang tahanan. Ang feeling na hindi makontrol ang tempo at rhythm ng maghapon. Tulad ng kinalakihan na ng mga bata ang pag-aaway sa pinapanood ng TV, busy sa paglalaro ng video games, maingay, magulo, at ang ibang miyembro ay nagkukulong sa kuwarto dahil may sariling mundo.
Hindi pa huli ang lahat na mag-create ng masayang tahanan na malilimitahan ang ingay, maiwas sa pagkakasakitan o pagkakasakit. I-train ang mga anak na magbasa ng libro, mag-inter-act, at pahalagahan ang buong pamilya. Hindi kailangang maging thermometer, kundi mag-set ng tamang temperature sa loob ng bahay.
- Latest