Mahinang Kuko
Hindi maganda ang mahinang kuko dahil madali itong mag-crack at magbakbak. Nakukuha ito sa pagtanda, sobrang paggamit ng nail polish at palaging nakababad sa tubig. Narito ang ilang paraan para masolusyunan ang mahinang kuko.
1. Magpainit ng coconut oil at pahiran ang bawat kuko. Marahan itong masahihin ng limang minuto. Gawin ito 3 beses kada araw.
2. Ibabad ang kuko sa magsindaming pinaghalo na apple cider vinegar at tubig sa loob ng ilang minuto. Itulak pababa ang cuticles pagkatapos ibabad ang kuko. Gawin ito isang beses kada araw.
3. Magpahid sa kuko ng vitamin E extract oil mula sa capsule bago matulog sa gabi. Masasahihin ito ng 5 minuto. Gawin ito sa loob ng 2 linggo.
4. Ikuskos sa kuko ang mixture ng kalahating kutsaritang vitamin E oil at ilang patak ng tea tree oil. Iwan ito ng 30 minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig at pahiran ng moisturizing lotion. Gawin ito 2 beses kada buwan.
5. Ibabad ang kuko sa mixture ng fresh lemon juice at argan oil sa loob ng 20 minuto. Gawin ito sa loob ng 3 linggo.
6. Ibabad ang kuko sa pinainit na 1/4 tasa ng olive oil na may halong 1/4 tasa ng apple cider vinegar at kalahating tasa ng beer sa loob ng 15 minuto. Gawin ito 2 beses sa isang linggo.
7. Pahiran ng petroleum jelly ang kuko sa maghapon.
- Latest