Grado ng mga Mata
Ang pagkain ng healthy meals ay isang paraan upang maging malusog ang pangangatawan na ang mas higit na partikular na nakakakuha ng benepisyo ay ang mga mata.
Dagdagan pa ng vitamin A mula sa madidilaw na prutas at gulay na mayaman dito tulad ng saging, papaya, carrots, kalabasa, at iba pang pagkain. Ang masustansiyang pagkain na masagana sa vitamin A ay nakatutulong na maiwasan ang problema sa mga mata. Upang mapabagal din ang panglalabo ng paningin. Kahit nakatutulong ang nutrisyon sa paningin, pero ang pagkain ay walang epekto sa grade o grado ng mga mata. Ang grado ay depende sa iba’t ibang factor, pero hindi dahil sa nutrisyon.
Samantalang ang vision problem ay hindi maiiwasan, pero puwedeng maitama o ma-correct sa pamamagitan ng pagsusuot ng eye glasses. Pinapayuhan ng ophthalmologist ang mga magulang na magkaroon ng maagang eye-checkup ang mga anak. Kapag hindi pa makabasa ang bata ay may paraan ang mga eye doctor na ma-checkup at matulungan na magkaroon ng malinaw na paningin ang anak. Mas maagang ma-correct ang vision ay mas mabuti.
- Latest