Kahalagahan ng bucket list
Mahalaga ang pagkakaroon ng personal goals at plano dahil madalas ang karamihan ay nakukulong lang sa takbo ng activities o trabaho sa araw-araw.
Feeling na lumilipas lang ang oras at panahon na walang nagagawa, nararating, o na-accomplish sa buhay. Samantalang ang pagkakaroon ng bucket list ay nagpapaalala kung ano ang mahalaga na dapat aksyonang gawin.
Kahit pa karaniwang nabubuhay sa goal or to-do-list, pero nakakahon lang ito partikular sa social content, performance, career, at health. Ang bucket list ay nagbubukas ng pinto na mag-set ng ibang bagay malaki, maliit, o random. Parang lang nagpaplano ng ahead of time nang lahat ng highlight na gustong gawin sa buong buhay. Ang mga goals setting na pinaplano ay magbibigay ng bagong level ng enthusiasm dahil may listahan sa isipan ng mga gagawin.
Para maging tangible isulat ang goals sa notebook o planner hindi para maghabol ng oras o isipin na bago man lang mamatay. Kundi para maximize ang bawat oras o moment at mamuhay na madalas sinasabing “live out life to the fullest.” Ang bucket list din ang magsisilbing paalala sa lahat ng gustong ma-achieve sa buhay. Sa halip na maging paikut-ikot lang na walang direksiyon na patutunguhan, kundi gawin ang mga bagay na mahalaga para sa iyo.
- Latest