Lola ng mga unicorn?!
Grabe na ‘to! Kalagitnaan ng nakaraang taon, ginimbal ng isang lola sa China, ang mga doktor sa isang ospital. Ito’y dahil sa kakaibang “sungay” kanyang ulo. Mistulang unicorn si Liang Xiuzhen sa kanyang sungay na may limang pulgada ang haba.
Nagsimula raw ito sa isang maliit na nunal may pito o walong taon na ang nakalilipas. “My mother complained about this mole-like growth on her head that itched all the time,” ayon sa kanyang anak na si Wang Chaojun. “We found ways to cure her itch using traditional Chinese medicine, and then left it be.”
Pero mas lumala ang sitwasyon nang bigla na lang may maliit na mala-sungay ang lumabas sa nunal. Maliit lang daw ito, hanggang sa aksidente itong maputol ng matanda noong Pebrero 2015. Mula noon ay may tumutubo nang bagong “sungay” na mabilis ang paglaki.
Sa ngayon ay umabot na ng limang pulgada ang haba ng nasabing sungay. “Now the horn hurts my mother and prevents her from sleeping. It also bleeds from time to time,” ayon pa kay Wang.
Kumalat nga ang mga litrato ng 87-year-old na lola sa Internet noong nakaraang taon at magpasahanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung ano gagawin sa kanyang sungay. Sabi ng iba, ito raw ay tinatawag na ‘cornu cutaneum’, isang uri ng keratinous skin tumor na mistulang sungay.
Ang tanging solusyon lamang daw dito ay tanggalin sa pamamagitan ng operasyon. Pero alangan na si Wang dahil sa katandaan ng kanyang ina. “My mother is old, and the horn is on her head which is a very sensitive area,
“I’m not confident (of) surgery. If something goes wrong, it would be terrible.” pagtatapos nito.
- Latest