Baking Soda sa Pagpapaganda?!
Napakarami pa lang pwede gawing sa baking soda. Kadalasan kasi, ginagamit lang ito sa kusina pero marami pa la itong benepisyo lalung- lalo na sa pagpapaganda na talaga namang mapapa-wow ka!
Para sa hiningang mapapa-uh-lala ka sa bango, maghalo lang isang kutsarita ng baking soda sa isang basong tubig at gamiting pangmumog. Para sa ngiping singputi ng porselana: maghalo lang ng isang kutsarita sa toothpaste habang nagsisipilyo.
Paalala, isang hanggang dalawang beses lang ito dapat gawin. Para sa balat naman, ginagamit din ang baking soda para pantanggal ng deadskin. Gumawa lang ng paste gamit ang baking soda at tubig, tsaka ikuskos sa balat pagkatapos magsabon, banlawan.
Ang paste na natira ay pwede ilagay sa kagat ng lamok. Para sa suklay na laging malinis, ibabad ang mga suklay sa baking soda na may halong tubig. Hugasan pagkatapos ng 10 minuto.
Oh, ‘di ba? Akalain mong ang gamit sa kusina ay mapapakinabangan mo rin sa pagpapaganda, ay meron pa pala!
Pwede mo rin itong gamitin sa paa mong pagud na pagod sa kalalakad. Libreng footspa ang meron ka sa isang baldeng na may mainit-init na tubig.
Maglagay ng konting baking soda at ibabad ang inyong paa para marelaks ka muna.
- Latest