Paano Mapatatagal ang Manicure-Pedicure?
1—Bawasan ang haba ng kuko. Mas mabilis maputol ang kuko at matuklap ang cutex kapag sobrang mahaba.
2—Pahiran ng oil ang cuticles. Tapos i-push ito sa tabi gamit ang “pusher”. Mabilis matuklap ang cutex kapag pinahiran ang cuticles.
3—Bago ipahid ang cutex, linising mabuti ang kuko. Dapat ay tuyo ang kuko at wala nang oil.
4—Pahiran muna ng base coat, na kadalasan ay colorless, bago ipahid ang top coat para mas matibay. Kung neon color ang top coat, white ang gamiting base coat. Tiyaking tuyo na ang base bago ipahid ng top coat.
5—Huwag nang gamitin ang lumang cutex, mabilis itong matuklap.
6—Pahiran ng colorless cutex tuwing ikatlong araw para tumagal ang manicure-pedicure.
7—Ang matte polish ay mabilis matuklap kaysa crème version.
8—Huwag ibabad sa ice water para mabilis matuyo. Huwag din huhugasan ng hot water sa loob ng 12 hours.
- Latest