Bagong Buhay sa Bagong Taon
Kung naghahanap ng paraan kung paano haharapin ang Bagong Taon, mas maganda kung sisimulan agad ang proseso, para mas mabilis din na mapagtagumpayan ang mga gagawin.
May ilang tips na hakbang na puwedeng pagpilian:
Stress – Bawasan ang stress sa buhay ngayong taon. Maghanap ng gagawin kung saan masisiyahan para mas magaan lang ang buhay kahit sa gitna pa ng hustle at busy schedule. Bumili ng libro, CD para makapanood ng movies at huwag magpuyat. Mas bigyan ng maraming oras ang sarili ngayon.
Profile – Sa pagsisimula ng taon, hindi lang ang profile sa Facebook ang puwedeng revamp, kahit anong account sa social network ay puwedeng ayusin tulad ng Instagram, Twitter, at iba pa. Kung may mga kaibigan na hindi nakakausap na mahigit dalawang taon na, puwede na silang i–delete sa iyong friend lists. Kahit ang mga old pictures kasama ang ex-girlfriend/boyfriend ay i-drag na sa trash bin. Magandang paraan na makapag-move on at magsimula ng bagong buhay na wala na siya sa listahan mo.
Update - Organize rin ang folder sa desktop ng computer, table, o cell phone para sa madaling access kapag gagamitin o hahanapin. I-delete rin ang mga application na hindi ginagamit o kailangan. Makatutulong kung gagamit ng disc defragmentation o disc clean up sa computer, para mas mabilis at smooth ang proseso ng computer.
Connection – Planuhin din na ma-reach out ang pamilya o malayong kaibigan kahit sa social media. Maglaan din ng oras sa asawa, anak, at kaibigan para mas maraming time na makipag-bonding at makasama sila.
Activities – Magkaroon ng commitment sa naisip na planong activities. Tulad ng exercise, pagsusulat, pagta-travel, o kahit anong sports na napiling gawin. Kung gusto maging healthy ay kumain lang mga masustansiyang pagkain, at magkaroon ng maraming oras kahit sa simpleng paglalakad sa mall. Kung naiisip naman na makatulong sa iba ay puwedeng mag-volunteer sa mga foundation o organisasayon.
- Latest