Komunidad na Walang Kalsada
May mga lugar na masarap tirahan, ito ‘yung may mga magagandang tanawin at syempre pa ay may malinis na hangin.
Isa nang halimbawa rito ay ang isang pamayanan sa Giethoorn, Netherlands.
Napakaganda ng lugar na ito dahil hindi kalsada ang dinadaanan ng mga magkakapit-bahay dito kundi mga tulay o di kaya’y mga bangka.
Mistulang mga bahay na itinayo kasi sa mga lawa ang lugar na ito kaya mahirap gawan ng kalsada na gawa sa semento kung kaya naisipan siguro ng mga taga-roon na imbes na kalsada ay tulay na lamang na gawa sa kahoy ang kanilang gawing daanan.
Henyo ang nakaisip nito dahil walang sasakyan ang makakapasok sa kanilang komunidad. Ibig sabihin nito, walang kahit na anong usok na mula sa mga sasakyan ang malalanghap nila.
Parang ang sarap tumanda sa ganitong klaseng lugar, taimtim, at payapa.
Tanging ang mga kwak-kwak galing sa mga pato na nakatira sa lake lamang ang maririnig.
Danil dito, naging popular tourist attraction ang lugar na ito na may bansag na Venice of the North, dahil ‘pag nakara-ting ka rito, ay para ka na ring nakapunta sa Venice, Italy.
- Latest