FYI
Ang anekdota ay maikling salaysay na nagbibigay-aral at kasiyahan sa mga mambabasa o tagapakinig. Maaaring gamitin ang anekdota bilang pangangatwiran, pagpapayo, pagdidiin ng isang liksyon, panglahok sa isang talumpati bilang ilustrasyon. Sa paggamit ng anekdota tandaan na dapat ay maiksi, mula dalawa hanggang limang talata ay sapat na upang matapos ang kuwento. Ang anekdota ay dapat naaayon sa paksang tinatalakay. Maari ring gamitin ang sariling karanasan, pero ito dapat ay may positibong aral na natutunan upang maging pagpapala rin sa iba.
- Latest