^

Para Malibang

Dahilan ng stress eating

Pang-masa

Hindi tayo lagi kumakain basta lang matawid ang ating gutom. Ginagawa rin comfort ang pagkain bilang reward. Sa kasamaang palad, ang emotional eating ay hindi nagagamot ang emosyong problema.

Kadalasan, mas lumalala pa ang sitwasyon. Hindi na nga nasolusyunan ng pagkain ang nararamdaman problema, nakokonsensya pa sa rami ng kinain. Dapat alamin ang mga dahilan ng cravings at bakit napapalakas ang kain tuwing nakararamdam ng lungkot. Tukuyin ang pinanggagalingan ng emotional eating:

Stress:  Kapag nakararanas ng stress ay nakararamdam din ng gutom. Hindi lang ito simpleng ideya sa isipan, kundi tumataas din ang hign level ng hormone at cortisol. Ang cortisol ang dahilan kung bakit nagki-crave ng maalat, matamis, mga pagkaing mayaman sa taba na nagbibigay ng energy at pleasure. Hanggang hindi makontrol ang stress sa buhay, mas mapagbabalingan ang paglantak ng pagkain sa tuwing nakararamdaman ng lungkot o pressure.

Emosyon –Sa pagharap ng pagkain, minsan isa itong paraan ng pansamantalang hinihingi katahimikan mula sa galit, lungkot, takot, kahihiyan, o panghihinayang. Dahil sa gustong iwasan ang anomang nararamdaman na idinadaan na lang sa pagresbak sa kinakain.

Childhood habits – Alalahanin kung ano ang  mga karanasan sa pagkain noong bata pa. Binibigyan ka ba ng ice cream, pizza, pasalubong na lechon manok, tinapay bilang reward o tuwing ikaw ay nalulungkot? Ang karanasan noong pagkabata ay maaa­ring dala-dala pa rin hanggang nga­yong may edad  na. Maaari ring may magaganda me­mories, kasama sa kainan ang buong pamilya, kaya nasanay ring enggrande lagi ang hapagkainan na siyang hinahanap mo ngayon.

Pagkabagot –Talaga bang gusto mong kumain o gusto mo lang punan ang pagkabagot bilang pag-iwas sa nararamdaman kawalan. Minsan ginagawa ring dahilan ang pagkain para ma-distract sa totoong estado ng buhay na hindi kuntento at walang patutunguhang direksyon ang hinaharap.

Impluwensiya – Masaya ang mga reunion o gimikan ng kaibigan at pamilya sa pagpa-food trip sa iba’t ibang restaurant o buffet, kaya tuloy lalong napapalakas din ang kain.

Napapakain rin kasi ng mas marami kung kasabay ang iba. Mas masaya naman talaga minsan kapag agawan sa pagkain at  sa nerbyos ay naparami na ang lagay sa iyong pinggan. Mas nakagagana rin ang pagkain kapag kapiling ang pamilya at kaibigan sa mga kainan na naghahatak ng kumain pa more.

vuukle comment

ACIRC

ALALAHANIN

ALIGN

ANG

BINIBIGYAN

DAHIL

DAPAT

LEFT

PAGKAIN

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with