^

Para Malibang

Para hindi mabulunan..

Pang-masa

Mahirap ang mabulunan, katunayan itinuturing itong isa sa health hazard sa kainan kapag holidays seasons. Ayon sa National Safety Council sa United States halos mahigit 3,000 ang namamatay taun-taon dahil sa nabulunan.

Mas napaparami kasi ang nakakain sa mga holidays o bonding time na pinagsasamahan ng barkada o pamilya. Kaya nga pinag-iingat sa pagkain dahil mas mainam na dahan-dahang nguyain ang pagkagat ng chestnut pudding, pie, o kahit anong nilalantakang pagkain sa harapan mo.

Para maiwasang mabulunan, kumagat lang muna ng maliit, nguyain paunti-unti at lasapin muna ang pagkain.  Iwasan ding ma-distract habang kumakain. Huwag din susubo habang may laman pa ang bibig. Kung may nginunguya pa, huwag munang kumagat ng hotdogs, grapes, candy, mani,  prutas, gulay, o matitigas na pagkain.

Siguruhin din may nakahandang tubig o inumin sa iyong tabi, in case na mabilaukan ka, makaiinom agad.  Huwag din iiwanan sa tabi ang mga baby, bata, lolo, at lola na may sakit o diperensiya habang masaya ang inyong salu-salong kainan.

ANG

AYON

DIN

HUWAG

IWASAN

KAYA

MAHIRAP

NATIONAL SAFETY COUNCIL

PAGKAIN

SIGURUHIN

UNITED STATES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with