Alam n’yo ba?
Mula sa mahirap na angkan si Andres Bonifacio. Hindi man siya nakapag-aral sa mataas na paaralan pero mahilig siyang magbasa ng mga libro na may magagandang aral. Nawili si Bonifacio sa libro ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo; ang libro ni Victor Hugo na La Miserables; at ang Revolution ni Frances; maging ang mga talambuhay ng mga pangulo ng Estados Unidos. Kahit si Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan, ginampanan naman niya ang tungkulin bilang unang pangulo nang makita niyang hindi aktibo ang samahan. Ang pagkasupremo ni Bonifacio ay ginawa sa punonghalalan. Naniniwala si Bonifacio na ang tagumpay ng grupo ay nakasalalay sa pamamalakad ng pangulo at sa pagtutulungan ng mga kasapi.
- Latest