^

Para Malibang

K12 35 yrs. na sa ‘Pinas, hatid ng SOT

Pang-masa

Sa darating na pasukan ng school year 2016, magsisimula na ang K12 na programa ng gobyerno sa bansa para sa senior high school ng ating mga estudyante. Kahit sino pa ang uupong presidente sa susunod na eleksyon, mukhang hindi na ito mapipigilan dahil nahuhuli na ang ‘Pinas sa hinihinging basic educational curriculum standars globally.

Pero alam n’yo bang 35 years nang pinapatupad ang K12 curriculum sa ating bansa sa pamamagitan ng School of Tomorrow Philippines? Sa Katunayan 500 privates schools na nationwide na may permit ng DepEd ang nagpapalakad nito.

Ang School of Tomorrow Philippines ay pinangu­ngunahan ng mag-asawang Rev. Delbert Hooge at  Mrs. Lora Lee Hooge. Ang SOT, na dating kilalang A.C.E. na ang ibig sabihin ay Accelerated Christian Education.

Nagsimula ang A.C.E. sa mga American missionaries na ang intensiyon ay para lang sa mga anak nila, dahil bitbit din sila sa mission field. Hanggang sa i-share ng mga missionaries ang curriculum sa mga churches na para lang din sa mga anak ng mga members. Pero dahil sa ganda at quality ng system ng ACE, nagbukas ito sa maraming pang churches, ibang grupo, communities, at pamilya para mahubog hindi lang academically kundi pati ang cha­racter building ng mga bata.

Ang SOT system ay gumagamit ng PACE o module sa halip na libro. Ito ay master base, na ang ibig sabihin, hanggang sa maintindihan ng estudyante ang buong concept  at ma-master nga ito, saka lang siya bibigyan ng panibagong PACE na bagong pag-aaral ng bata.

Sa loob ng 35 years, subok na ang quality ng SOT system. Marami nang nakapagtapos dito na na­ging doctor, piloto, nurses, CPA, at maging simpleng empleyado o manggagawa na nagtatrabaho rito o sa ibang  bansa.

Akalain mo, sa loob ng one week matututo nang magbasa ang bata sa edad na 5 years old. Pagkatapos ng tatlong buwan mahusay na itong magbasa with com­prehension at with excellent phonetic sounds.  With in 10 weeks fluent na ang estudyanteng magsalita ng Ingles. Bawat PACE o module ay hinihimay ng bata ang bawat concept ng lahat ng academic subjects. 

Bago magtapos ang estudyante  ng high school tatapusin at ima-master lang nito ang mga subjects na related sa kursong kukunin niya sa college.

Ang SOT ay individualized curriculum program na ibig sabihin ay one on one tinututukan ng mga supervisor at monitor ang pag-aaral ng bawat estudyante.

Bukas ang SOT sa pangunguna ni Rev. Hooge at Rev. Erich Bernard Santos sa pakikipagtulungan sa gobyerno na ngayon pa lang mag-aaral at mangangapang magsimula ng K12 sa ating bansa.

Kung pag-aaralan lang sana ng gobyerno ang K12 ng SOT, tiyak na mamangha sila sa ganda at kalidad ng mga produktor ng nasabing institusyon.

Ang mga bansang Thailand, Vietman, Cambodia, at iba pang  bansa sa Asia, ay bukas sa K12 ng SOT. Kapag nagkataon mahuhuli na naman tayo sa mga nabanggit na bansa pagdating sa quality ng edukasyong hatid ng SOT system.

Sa mga gustong mag-enroll sa SOT, mag-log on sa School of Tomorrow Phils. at  magtanong sa pinakamalapit na school sa inyong lugar.

ACCELERATED CHRISTIAN EDUCATION

ACIRC

ANG

ANG SCHOOL OF TOMORROW PHILIPPINES

DELBERT HOOGE

ERICH BERNARD SANTOS

LANG

MGA

MRS. LORA LEE HOOGE

NBSP

SOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with