Gamot sa sunburn (3)
7. Kamatis
Gumamit ng tomato juice sa lapnos na bahagi ng balat upang mapabilis ang paggaling nito. Makakabawas ng nararamdamang kirot at mapabibilis ang paggaling ng sunburn ng tomato juice. Mag halo ng one-fourth cup ng tomato juice o tomato paste sa isa’t kalahating tasa ng buttermilk. Ipahid ang mixture sa apektadong parte ng balat at hayaan ng kalahating oras. Hugasan ng malamig na tubig.
Isa pang paraan ay ang paglagay ng dalawang tasa ng tomato juice sa pampaligong tubig at ibabad ang katawan ng 10 hanggang 15 minuto.
Puwede ring ihalo ang dinurog na kamatis sa dinurog na yelo at marahang ipahid sa apektadong balat para malunasan ang nararamdamang kirot.
8. Baking Soda
Ang baking soda ay isang natural na alkaline at pumapawi ng pangangati ng balat na may sunburn.
Punuin ang bathtub ng malamig na tubig at lagyan ng one-quarter cup ng baking soda. Paghaluin ng mabuti at ibabad ang katawan ng 15 hanggang 20 minuto.
Para sa mabilisang lunas sa nararamdamang hapdi, paghaluin ang isang kutsaritang baking soda at isang tasang tubig at ipahid ito sa apektadong bahagi ng balat.
Kung gusto ng mabilisang paggaling, ihalo ang baking soda sa suka at ipahid ito sa bahaging napinsala bago matulog.
9. Chamomile
Ang chamomile ay may malaking tulong sa agarang pagpapagaling ng paltos dulot ng sunburn at mga sintomas nito.
Maglagay ng ilang patak ng o chamomile oil sa isang kutsaritang almond oil.
Ipahid ito sa may bahaging may paltos
Ulitin ang proseso isa o dalawang beses sa isang araw upang maginhawahan sa nararamdamang hapdi at pangangati dulot ng sunburn.
Maaari ring magbabad ng ilang chamomile tea bags sa ice water at ilagay ang tea bags sa bahaging may paltos para sa malamig na pakiramdam.
10. Dahon ng letsugas
May mga banepisyo ang letsugas sa paglaban sa kirot at pamamaga ng paltos dulot ng sunburn.
Maglaga ng ilang dahon ng letsugas sa tubig ng sampung minuto. 10 minutes. Salain ang dahon at ilagay ang tubig na pinaglagaan sa loob ng ilang oras.
Ipahid ang malamig na tubig ilang beses sa loob isang araw.
- Latest