Pusong malusog (2)
4. Pagpapanatili ng tamang lebel ng cholesterol sa dugo. Ang cholesterol ay nangungunang dahilan ng arterial plaque na may dalawang klase: high-density lipoprotein (HDL) at low-density lipoprotein (LDL). HDL (ay kilala bilang “good” cholesterol) nag aalis ng cholesterol sa arterial wall at dinadala sa atay upang mailabas sa katawan. LDL (ay “bad” kind ng cholesterol) Pinapanatili nito ang cholesterol sa lining ng coronary arteries na nagiging sanhi ng plaque.
5. Iwasang manigarilyo. Nangungunang sanhi ng coronary artery disease ang paninigarilyo dahil sa linilimitahan nito ang abilidad ng dugo na makapagpadala ng oxygen, nakakalapot ng dugo, pinapababa nito ang HDL, pinapataas nito ang pangangailangan sa oxygen.
6. Huwag hayaang lumampas ng 200mg ang lebel ng triglyceride . Napag alaman na ang mataas na lebel ng cholesterol, triglycerides sa dugo ay nakakadagdag ng panganib ng atake sa puso. Kapag bumaba ang lebel ng triglycerides sa pamamagitan ng pagbabawas ng timbang ay nababawasan nito ang panganib ng atake sa puso. Ang pagkakaroon ng tamang pagkain, pag-eehersisyo at paglimita ng pag inom ng alak ay ay mga mainam na paraan ng pagbabawas ng lebel ng triglycerides.
- Latest