Paano makakawala sa bisyo?
Minsan dumarating sa buhay ng tao ang naisin na magbago mula sa kanyang bisyo. Kaya lang kahit ano pang kagustuhan mong magbago dahil sa ito nga ay bisyo, ikaw ay nahihirapang alisin ang mga ito sa iyong sistema. Narito ang ilang paraan para unti-unti kang makaalis sa iyong bisyo:
Baguhin ang bisyo ng paisa-isa – Kung nais mong makawala sa anumang uri ng bisyo, hindi mo ito dapat na pagsabay-sabayin dahil hindi ka naman isang “superhuman” na kayang gawin ng sabay-sabay ang isang bagay. Isa-isahin mo ang iyong mga bisyo at isipin kung ano ang dapat mong unahing alisin sa iyong katawan. Dapat na magkaroon ka rin ng tiyak na layunin kung bakit kailangan mong maalis ang bisyong ito para magkaroon ng inspirasyon.
Mangako sa sarili – Araw-araw ay dapat na binibigyan mo ng pangako ang iyong sarili at kapag natupad mo ito ay marapat lamang na bigyan mo ang sarili ng reward. Halimbawa, pangakuan mo ang iyong sarili na sa buong araw na ito ay hindi ka maninigarilyo o kakain ng chocolate o makikipagtsismisan. Sa halip na sabihin mong “Hindi na ako iinom ng alak sa buong taon na ito”. Mas madaling sundin ang unang pangungusap dahil araw-araw mo lang itong gagawin at tiyak na madali mo itong magagawa.
Sabihin ang pagbabago sa kaibigan o kaanak – Kung may nais gawing pagbabago para sa ikabubuti ng iyong pagkatao, mas makabubuti kung ipapaalam ito sa mga taong malalapit sa’yo. Ito ay upang may magpaalala sa’yo ng iyong mabuting layunin sa sarili.
Palitan ang iyong bad habit ng good habit - Kung ang bisyo mo ay kumain ng junk foods bakit hindi mo palitan ito ng mga healthy snaks gaya ng popcorn.
Huwag susuko – Palagi mong isaisip na ang pagsuko ay isang kaduwagan. Halimbawa, hindi mo talaga mapigilan ang iyong sarili na manigarilyo, mas mabuting kumain ng candy at saka makipagkuwentuhan sa iyong mga kaibigan. Sa ganitong paraan ay malilibang mo ang iyong sarili.
- Latest