Gusto mo ba ng ‘promotion?’ (1)
Nagsasawa ka na ba sa posisyon at trabaho mo ngayon? Gusto mo na ba mag-level-up ang iyong career? Kung gusto mo ng promotion dapat mong sundin ang mga tips na ito:
Gumawa ng mabuti – Mahalaga ito, kahit pa pakiramdam mo ay mas mababa ang iyong posisyon kumpara sa iyong kuwalipikasyon. Kung nagtatrabaho ng mabuti at kinakikitaan ng magandang pag-uugali sa iyong tinatrabaho, tiyak na ang mga ito ay maalala. Kaya naman kung naghahabol ng promotion, tiyak na isa ka sa unang maiisip ng iyong employer at mabibigyan ka ng promotion. Kung lilipat naman ng kompanya, sigurado rin na tatawag sa dati mong employer ang kompanyang bago mong papasukan. Dahil dito, dapat na panatiliin ang mabuti at maayos na pagtatrabaho kung gusto mong umangat sa posisyon mo. Hindi ka rin dapat mapili sa trabaho kung dinadagdagan ka man ng “load”. Nagpapakita kasi ito ng dedikasyon sa trabaho at maayos na “teamwork” sa iyong mga katrabaho.
Maghanap ng ‘mentor’ o magtuturo – Maraming tao ang nag-aakala na dapat pormal kang maghahanap ng “teacher” na magtuturo sa’yo ng mga bagay na dapat mong matutunan para umunlad ang iyong career. Hindi sa lahat ng panahon ay dapat na maging ganito ang set-up. Maaari ka naman matuto ng mga bagay na nais mong matutunan sa pamamagitan ng kaswal na pagtatanong sa mga taong alam mong may nalalaman. Kaya hindi mo kailangan na gumastos para lang matuto, maging palakaibigan ka lang at tiyak na maraming magtuturo sa’yo.
Itutuloy
- Latest