‘Lower Back Pain (7)
Last part
Bitamina D. Nagbibigay ito ng tumpak na pagsagap ng calcium at phosphorous na kailangan para mapanati ling malusog ang mga buto, kasukasuan, at sistema ng nerbiyos. Mahalagang sangkap din ito para makaiwas sa osteoporosis. Makikita ito sa itlog, butter, liver, cod liver oil, at whole milk.
Magnesium. Pinarerelaks nito ang kalamnan. Mahalaga rin ito para mapatibay ang puso, at tumutulong para sa pagkonrol ng presyon ng dugo. Ang mga pagkaing may magnesium ay gulay, saging, butil ng trigo, isda, halamang-dagat, at binurong prutas.
Calcium. Kailangan ito para sa ibat’ ibang tungkulin ng katawan— murang buto hanggang sa pamumuo ng buto, at tungkulin ng muscles. Kabilang sa pagkaing ito ang gatas, keso, yogurt, maberdeng gulay, sardinas, whole grain cereals, at calcium enriched soymilk.
Pottasium. Isa ito sa mga electrolyte na kailangan para mapanatili ang kalusugan. Pinalalakas nito ang buto at pinabibilis ang transmisyon ng mga nerbiyos. Matatagpuan ang pottasium sa prutas, gulay, at halamang-ugat, gaya ng patatas, cauliflower, kamatis, at saging.
Mga Pagkaing Dapat Iwasan
Kapag may pananakit ng likod, ipinapayo ang pag-iwas sa mga pagkaing gaya ng mga sumusunod:
Trigo (whole wheat grains). Mayroon itong phytate, na humahadlang sa pagsipsip ng calcium, kung kaya nagkakaroon ng kakulangan ng calcium sa katawan. Inilalagay nito sa panganib ang kalusugan ng mga buto
Maasidong pagkain at inumin. Sanhi ito ng pangangasim ng sikmura. Ipinapayo ang pag-iwas sa pag-inom ng kape, tsaa, softdrink, alkohol at dinalisay na asukal.
Labis na dairy products. Ito ang sanhi ng sobrang asido sa sikmura. Isama sa pagkain ang ibang pagkaing mayaman sa calcium, maliban sa dairy products (tsokolate, keyk, ayskrim)
Labis na pagkaing maalat. Binabawasan nito ang calcium sa katawan lalo na sa mga may edad.
Mga pagkaing mayaman sa oxalates (rhubarb, spinach at beets). Binabawasan nito ang pagsipsip ng calcium, at nagreresulta ng mababang antas ng calcium sa katawan.
- Latest