^

Para Malibang

Patay na ako, mahal (30)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“ALAGAD lamang kita, Soledad, huwag na huwag mo akong uutuin! Kung gusto kong pagalawin ang sungay ko, bahala ako! Hindi dahil gusto kitang matuwa, gaga!” mahabang sermon ng sungayang idolo ni Tita Soledad.

Tiklop na tiklop naman ang tiyahin ni Avery, yukung-yuko, yanig na yanig sa pinapanginoong kaaway ng Diyos.

“Ituloy mo ang pagpatay sa lalaking hadlang, Soledad! At huwag kang pahuhuli sa awtoridad!

“Gawin mong perfect crime!”

“Perpektong krimen, aking prinsipe? Pero di ba po crime does not pay?” Nalilito ang tiyahing super-sama.

“Imbento lang ‘yan ng mga taong naniniwala sa hustisya, Soledad. Kalaban natin si Lady Justice.

“Ang totoo’y ako ang nagsulsol sa iskultor na lagyan si Lady Justice ng piring. Ngayo’y bulag ang hustisya dahil nga may piring ang mga mata.” Malisyosong nakangisi ang sungayang idolo ng tiyahin ni Avery.

 Hindi na nagtanong si Tita Soledad, takot na tuluyan nang mapikon sa kanya si Satanas.

“Papatayin ko na sa lalong madaling panahon si Russell, aking prinsipe,” pangako ng tiyahin.

“Hindi na siya dapat sikatan ng araw, Soledad. Utos ko ‘yan sa iyo. Kapag pumalpak ka, magsisisi ka kumbakit ka pa isinilang!” Dumagundong ang tinig ng idolong may dalawang sungay.

“M-masusunod po. Hindi ako sasablay.”

“Hintay, Soledad. Narito ang gusto mong makita.”

Kusang pinagalaw-galaw ng false god ang dalawang sungay. Pinakislot-kislot sa kaliwa at sa kanan. Pinaangat-angat din nang maharot.

Tuwang-tuwa naman ang tita ni Avery. Pumapalakpak pa nga.

KLAPP-KLAP-KLAPP.

SA MUSOLEYO, naihain na ni Russell ang hiling na pagkain ni Avery. Pero may bagong problema ang dalagang lito kung buhay o patay.

“Tama ang sintomas na sabi ng duktor, Russell. N-nabutas na ang aking tiyan. W-wala na akong sikmura...” luhaang sabi ni Avery. (ITUTULOY)

AVERY

DIYOS

DUMAGUNDONG

GAWIN

HINTAY

LADY JUSTICE

PERO

SOLEDAD

TITA SOLEDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with