^

Para Malibang

Good posture

BODY PAX - Pang-masa

Ikaw ba ay nakukuba na at hirap tumayo ng diretso? Baka ikaw ay may problema sa tamang tindig o posture. Ang maling kinagawian katulad ng pag-upo ng matagal, paggamit ng matagal ng computer, pagbubuhat ng mabibigat, matagal na pagtayo, pagbubuhat ng batang maliliit at maling posisyon ng pagtulog ay maaaring magresulta sa pananakit ng likod at makapinsala sa spinal structure. Lahat ng mga nabanggit na kapag matagal na nakagawian ay maaaring makaapekto sa tamang tindig o posture.

Benepisyo ng postura

Maraming paraan para mapanatili ang good posture at benepisyo nito sa kalusugan kagaya ng:

Nakakapag-ayos ng  organ. Kapag laging yumuyuko ang rib cage ay itinutulak nito pababa ang mga internal organ na maaaring maging sanhi ng mga karamdaman kagaya ng digestive problem. Sa pagkakaroon ng good posture napapanatili nito ang kaluwagan ng intestine na nagpapaayos ng trabaho nito.

Binabawasan nito ang tensiyon at pananakit ng leeg, balikat at likuran. Kapag nakakaranas ng palagiang pana­nakit ng itaas na bahagi ng katawan ito ay maaaring sanhi ng maling postura ng katawan. Kapag ginagawa ang tamang postura ng katawan ay maaaring mabawasan ang nararamdamang  pananakit  at tensyon sa iyong katawan sa pag yuko buong araw. Sa pagpapanatili ng ganitong gawain ay mapapanatili ang good posture ng iyong katawan at sa loob ng ilang linggong.

Pinapataas ang  concentration at mental performance. Ayon sa pag-aaral ng  study Colorado College showed na ang mga estudyanteng lalaki na may tamang pag-upo ay nakakakuha ng mataas na marka kesa sa mga estudyanteng lalaki na hindi tama ang pag-upo at laging naka yuko. Sa pag-aaral ni Tomi Ann Roberts Ph.D, na ang tuwid ang postura ay nakakaramdam ng dominante at tagumpay sa anumang larangan na nagdudulot ng abilidad na maging relax at maging pokus sa mga problema.

Pumipigil sa pagkakuba. Ang pagkakuba ay karaniwan sa mga matatandang babae. Nadedeblop ang pagkakuba ay dahil sa ma­ling postura at osteoporosis. Karaniwan ang osteoporosis ay karaniwan sa mga may edad na kababaihan ngunit ang kalalakihan ay maaari ring mawalan ng bone mass kapag ito nagkakaedad. Maaaring maiwasan ang pagkakuba sa pagpapanatili ng tamang postura at pagkain ng mga pagkain na mayayaman sa calcium.

Nakakadagdag ng tangkad. Ayon sa pag-aaral na ang mga lalaking matatangkad ay malakas ang atraksyon sa mga kababaihan kesa sa mga kalalakihan na salat sa tangkad. Ang pagpapanatili ng tamang postura ay makakatulong na mabawasan na magmukhang mababa at maliit. Sa mga may edad naman ay makakaiwas sa pagkabawas ng height dahil karaniwang umuurong ang mga kalamnan nila habang tumatagal.

AYON

BENEPISYO

BINABAWASAN

COLORADO COLLEGE

KAPAG

PAG

POSTURA

TOMI ANN ROBERTS PH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with