Bakit nangangamoy ang ‘flower’?
Kung anu-anong produkto ngayon na lumabas para manatiling mabango ang ating private part.
Iba’t ibang klase ng vaginal wash, napkins na mabango, mga wipes para sa ‘pepay’. Panty liners na may perfume at kung anu-ano pa.
Ang totoo, natural lang na mangamoy ang ‘pepay’ kasi vagina naman talaga siya. Pero hindi naman magandang mangamoy ‘pusakal’ ang vagina.
Pero bakit nga ba may kakaibang amoy ang vagina?
Ang vagina ay may balanseng ecosystem ng fluid (discharge) at bacteria para manatiling healthy ang vaginal PH at healthy sa 4.5 level.
Ang kombinasyon ng fluid at bacteria na siyang bumubuo sa vaginal discharge ay may pagkakataong lumikha ng amoy.
Karaniwan sa amoy na ito ay normal lamang ngunit may pagkakataon kung sobra ang amoy nito. Isang senyales ito ng problema.
Ang tanong ay kung ano nga ba ang normal na amoy ng pepay?
Kung naaamoy ang vagina ng 1-foot-away, okay lang ‘yan, pero kung umaalingasaw ang amoy nito at may nararamdamang pangangati o pananakit, may problema ka na. Susunod nating tatalakayin ang mga karaniwang sanhi ng vaginal odor. ITUTULOY
- Latest