‘Erotic foods’
May balak ka bang mag-ala-Vhong Navarro? Pupunta ka ba ng condo at magdadala ng foods?
Bakit ‘di mo i-try magdala ng erotic food baka sakaling hindi ka mabubugbog?
Pero bakit nga ba sinasabing erotic o aphrodisiac food ang isang pagkain?
Ipinaliwanag sa isang artikulo sa WebMD.com kung bakit kinokonsiderang erotic food ang ilang mga pagkain.
Ang mga gulay na tulad ng sibuyas, turnips, leeks, kalabasa, asparagus, artichokes at watercress ay sinasabing hindi lamang nag-i-stimulate ng desire ngunit nagpapataas ng sperm count.
Ang mga may korteng prutas tulad ng mansanas at pears na may kurbada ay tinitingnan ding mga erotic food.
Ang mga putas na mabuto ay ikinukumpara sa “seeds of fertility.”
Ang talaba ay ang pinaka-kilalang erotic food.
Ang talaba ay may mga elements na hindi naman nakaka-stimulate ng genitals ng babae o lalaki.
Ang mga elements na ito ay tubig, protein, carbohydrate, fat, kaunting asin, glycogen at kaunting minerals tulad ng potassium at calcium na hindi naman nakaka-stimulate.
Pero dahil sa itsura, korte at pagka-madulas ng talaba, sinasabing aphrodisiac food ito.
Ang chocolate ay kinokonsiderang aphrodisiac food pero sa isang research noong 1980, nakita ang chemical na phenyl ethylamine (PEA) sa chocolate. Ang PEA ay central nervous system stimulant na nakikita sa human brain at nakakatulong para mabuhay ang emosyon.
Ngunit kaunting PEA lang ang nakukuha sa chocolate na hindi sapat para maapektuhan ang ating emosyon.
Ibig sabihin, kaya erotic food ang chocolate ay dahil sa lasa nito at dahil sa texture nito na natutunaw sa ating bibig kapag kinakain.
Suma-total, kapag ang mga pagkain ay kahawig o kahugis ng genitals, ito ay kinokonsiderang erotic food.
Bukod sa itsura at hugis, may lima pang ibang qualities ang pagkain na iniuugnay sa sensuality.
Kinokonsiderang sexy food ang isang pagkain kapag ito ay smooth, rich, creamy, exotic at spicy.
- Latest