Feng shui sa Hagdanan
Kung kahoy ang iyong hagdan, mainam na ipuwesto sa South, East at Southeast.
Kung yari sa metal ang hagdan, mainam ipuwesto sa North.
Kung kongkreto, mainam na ipuwesto sa Northeast, Southwest, West at Northwest.
Huwag magpupuwesto ng hagdan sa gitna ng kabahayan dahil ito ang pinakapuso ng tahanan. Gitna ang pinakamasamang fengshui location ng hagdanan. Ang “energy” kasi na dapat ay umiikot nang maayos sa buong kabahayan ay bumababa-tumataas lang sa hagdanan nang walang tigil. Mareresulta ito ng mga aburidong residente.
Huwag sa tapat ng maindoor at toilet door ilalagay ang pinaka-landing ng hagdan. Magmamadaling pumasok at lumabas ang energy kahit hindi pa nakakaikot sa bahay. Ang dapat na mangyari ay umikot ang good energy sa buong bahay nang maayos at katamtaman ang daloy upang makamtan ang magandang suwerte sa buhay.
- Latest