Gusto mo bang tumangkad?
Marami ang nagnanais na maging matangkad, kaya lang minsan, hindi mo naman ginusto na medyo kapusin sa “height” o sa iyong taas. Kaya dapat remedyuhan mo na lang ito sa pamamagitan ng:
Maging kompiyansa sa sarili – Dapat ay tiyakin mo sa iyong sarili na ikaw ay mayroong “good posture” o magandang tindig. Iwasan mo na maging kuba kapag ikaw ay nakatayo o sa anumang posisyon na iyong ginagawa. Ang pagkakaroon ng “good posture” ay nakakatangkad.
Magsuot ng sapatos na may takong – Kung alam mo naman sa sarili mo na talagang may kaliitan ka, iwasan mong magsuot ng sobrang “flat” na sapatos, sa halip ay magsuot ng sapatos na may kaunting takong.
Mag-ehersisyo – Mag-ehersisyo lalo na kung ikaw ay teenager pa lamang. Tumalon palagi at mag-inat paggising sa umaga.
Magkaroon ng sapat na tulog – Kapag natutulog, natural na nire-repair ng katawan ang sarili niya, kaya kapag may sapat na tulog, malaki ang posibilidad na tumangkad ka pa kahit kaunti.
Magsuot ng damit na may patayong guhit (vertical line) – Ang ganitong uri ng damit ay nakakapagpatangkad.
- Latest