Feng shui Fencing tips
Huwag gumawa ng bakod na kapantay o mataas pa sa bubong ng bahay n’yo. Mahihirapan pumasok, umikot at lumabas ang energy. Ang resulta, hindi umaasenso ang buhay ng mga occupants ng bahay.
Huwag maglagay ng flower box sa itaas ng bakod. Ang flower box ay inilalagay sa ibaba ng bakod.
Magandang shape ng bakod ay pabilog at ang grills ay naka-vertical or patayo.
Iwasan ang bakod na barb wire or grills na may nakabaluktot na maliliit na arrow at nakaturo sa loob ng bahay ninyo o sa bahay ng kapitbahay. Poison arrow ang tawag dito. Hadlang sa pag-asenso ang poison arrow.
Ipaayos kaagad kung may cracks or gaps ang bakod.
Hindi rin maganda kung ang bakod ay nakadikit or malapit sa pader ng bahay.
I-trim ang makakapal na puno o halamang na nakatanim malapit sa bakod, harapan man o tagiliran.
Ang main gate ang pinakabunganga ng bahay kaya dito pumapasok ang good energy. Kung dalawa ang gate ninyo, ang isa dapat ay mas maliit kaysa main gate. Huwag maglalagay ng magkaparehong size dahil “malilito” ang good energy kung saang main gate ito papasok.
- Latest