^

Para Malibang

Sobrang katabaan, iwasan (1)

BODY PAX - Pang-masa

Sobra-sobra na ba ang iyong timbang to the point na nahihiya na kayong tumingin sa salamin dulot ng sobrang pagkain? Sa sobra-sobrang gana sa pagkain ay hindi lang timbang ang maaaring maging resulta nito, bagkos maraming sakit din ang puwedeng makuha sa sobrang gana sa pagkain. Naririto ang ilan sa mga gabay upang maiwasan ang sobra-sobrang pagkain.

1. Marahang kumain

Ang pagdahan-dahan sa pagkain ang isa sa pinakaepektibong pamamaraan para maiwasan ang sobrang gana sa pagkain. Hindi lang magdudulot ito ng oras na ma-enjoy mo ang pagkain na nasa iyong pinggan bagkus mabibigyan pa ng panahon na makapagbigay ng oras sa utak na magpadala ng minsahe na ikaw ay busog na. Kapag kumain ng mabilis ay nakakabalam sa utak na magdala ng mensahe na ikaw ay busog na at sa oras na nakapagbigay na ang utak ng mensahe ikaw ay busog na ay malamang marami na ang iyong nakain.

2. Magplano ng maaga sa kakainin

Sa pagplano ng mga kakainin ay maaaring makaiwas sa mga pagkain na magdudulot ng pagtaas ng timbang katulad ng mga junk foods, soft drinks at mga mamantikang pagkain. Puwedeng ipalit ang mga pagkain na lubhang masusustansiya katulad ng prutas at gulay na makakatulong upang maging malusog ang iyong pangangatawan.

3. Uminom ng maring tubig

Sa pag-inom ng maraming tubig bago kumain ay makakatulong na maging busog agad upang sa gayon ay maiiwasan ang pagkain ng marami. Kapag ang isang tao ay nauuhaw ay nakakaramdam din ng gutom kaya uminom ng tubig para mabawasan ang nararamdamang gutom at gana sa pagkain.

KAPAG

MAGPLANO

MARAHANG

NARIRITO

PAGKAIN

PUWEDENG

SOBRANG

UMINOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with