Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na noong 15th –16th Century, “Indian Fig” ang tawag ng mga Europeans sa saging? Noong 1800’s naman, mahigpit na ipinagbabawal sa mga babae sa Hawaii na kumain ng saging. Ang mahuling kumain nito ay maaaring patawan ng parusang kamatayan. Ang bansang India ang nangungunang supplier ng saging sa buong mundo. Sa North America, mas maraming kumakain ng saging kumpara sa ibang prutas dito. Hindi itinuturing na puno ang banana dahil ito ay kabilang sa lily family. Isa lang itong malaking halaman. Noong panahon ni Alexander the Great, ang tawag sa saging ay “pala”. Taong 1876 ng unang matikman ng mga taga North America ang saging. Ito ay matapos na magkaroon ng Centennial Exhibition sa Philadephia. Ibinenta ang saging na nakabalot sa foil sa halagang 10 sentimo.
- Latest