Okra (1)
Ang okra ay kilala sa pagkakaroon ng mataas na bitamina C, K, folate at iba pang minerals upang maging malusog ang ating katawan. Mayaman din ito sa fiber na tumutulong sa maayos na digestion, komokontrol sa rami ng sugar na naa-absorbed ng katawan.
Naririto ang ilan sa banepisyo ng okra sa kalusugan
Nagtataguyod ng malusog at maayos na pagbubuntis- Mayroon itong bitamina B na nakakatulong sa pagmentina at paggawa ng mga bagong cells, folate na isang mahalagang aspeto sa maayos, ligtas at malusog na pagbubuntis ng ina. Ang mga bitamina ay tumutulong upang maiwasan ang mga depekto ng mga sanggol habang ito ay pinagbubuntis katulad ng spina bifida at tumutulong sa sanggol na lumaki ng malusog at malakas. Nakatutulong ang bitamina C para sa fetal development na mayroon sa Okra.
Tumutulong na maiwasan ang diabetes – Salamat sa fiber at iba pang nutrients na mayroon sa okra na maaaring makapag normalize sa blood sugar sa katawan na makatutulong sa mga dyabetiko.
- Latest