Ghost train (20)
HALATANG nagselos kay Nenita si Dindi. “Kuya Vincent, itinanan mo ba siya?â€
“Naku, hindi,†salag agad ni Vincent. “Kaibigan ko itong si Nenita. May kailangan lang kaming gawin—dito sana sa bahay ninyo, kung puwede?â€
Napalunok ang dalagita. “Friends kayo? Kissing friends?â€
“Hindi kami kissing friends nitong Kuya Vincent mo, Dindi. Kuwan, hindi mahalay ang gagawin namin. Kayhirap ipaliwanag.†Si Nenita na ang sumalag sa maling duda ng dalagita.
Ipinaliwanag ni Vincent kay Dindi ang mga pangyayari--mula sa simbahan kung saan sila nagkakilala ni Nenita, hanggang sa pagkakaloob sa kanila ng ghost train nang 500 thousand pesos bawat isa.
“At ang purpose ‘ka mo ng tren ay para matupad ko ang wishes ko bago ako mamatay-- na magawa ang lahat ng kaeklayan at kaligayahan ng isang teen-age girl like me, ha, Kuya Vincent?â€
“Sakto, Dindi. Papasyal tayo sa famous places sa ‘Pinas. Kahit sa Paris, sa Venice, sa Madrid..â€
“Gusto kong mag-street party sa Boracay, ngayong summer, Kuya Vincent…†Galak na nagÂlalambing sa kuya-kuyahan si Dindi.
Lalo namang lihim na nahabag sa dalagita si Nenita. Alam na Dindi is too young to die soon.
“Huwag kang sasama sa lakad namin ng Kuya Vincent ko, puwede?†seryosong pakiusap ni Dindi kay Nenita.
“Huwag kang umamot sa konting kaligayahang dapat kong maranasan.†TumaÂngo si Nenita, pilit ang ngiti.
“Huwag kang mag-alala, Dindi. Meron din naman akong mahalagang pagkakaabalahan. ‘Yung nanay kong sakitin…â€
“Sige, maghati na kayo sa cash, habang wala pa ang tatay ko. Mahirap paliwanagan ang taong kapos sa pera,†mahinahon nang sabi ni Dindi.
Natapos naman agad ang paghahati sa pera. Nagpaalam na si Nenita. “Magtataksi siguro ako, Vincent, wala nang dyip sa oras na ‘to.†“Ihahatid kita, Nenita. Ipinatago ko muna kay Dindi ang pera ko.â€
“Dalian mo, Kuya Vincent, baka balikan na ako ng ghost train,†takot na sabi ng dalagita. (ITUTULOY)
- Latest