^

Para Malibang

Tubig sa tag-init

Ms. Jewel - Pang-masa

Sobrang init ngayon. Lahat ay halos nakakaramdam ng pagkahilo sa tuwing lalabas sa lansangan. Dahil dito ay natutuyot na ang iyong pakiramdam. Sa ganitong uri ng panahon kailangan alagaan mo ang iyong katawan laban sa dehydration. Dapat na panatiliin ang maayos na lebel ng tubig sa iyong katawan. Maraming benepisyo ang tubig sa katawan at kalusugan ng tao. Narito ang ilan:

* Ang tubig ay tumutulong sa pagbalanse ng fluid sa katawan. Ang katawan ng tao ay naglalaman ng 60% tubig. Kailangan panatiliin ito ng iyong katawan para magkaroon ng maayos na digestion at circulation ng dugo. Kailangan ito para mapanatili ang laway sa iyong bibig at hindi ka maging bad breath, maintenance rin ito para magkaroon ng maayos na body temperature. Hindi na rin dapat pang hintayin na makaramdam ng uhaw. Kapag bumaba na ang lebel ng tubig sa katawan, ang isip mo ay magsasabi sa iyong katawan na ikaw ay nauuhaw. Sa ganitong sitwasyon, malapit ka ng ma-dehydrate. Kaya kahit hindi nauuhaw, dapat na umiinom pa rin ng tubig.

* Tumutulong na makontrol ang calories sa iyong katawan. Sa mga nagbabawas ng timbang, mainam ang tubig na pamalit sa pagkain. Bagama’t wala naman magic na dala ang tubig, pero epektibo ito para mabawasan ang iyong timbang at mailabas ang fats sa iyong katawan.

* Nakakaiwas sa stroke. Gaya ng nabanaggit sa una, tumutulong ang tubig para magkaroon ng maayos na temperatura ang katawan. Kapag sobrang init, tumataas ang temperature ng katawan na nagiging sanhi rin ng stroke.

 

vuukle comment

BAGAMA

DAHIL

DAPAT

GAYA

IYONG

KAILANGAN

KAPAG

KATAWAN

KAYA

TUBIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with