^

Para Malibang

Ghost train (2)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAIWAN sa harap ng ghost train si Dagul, putlang-putla, tutop ang dibdib. Obvious na inaatake sa puso ang matabang lasenggo.

Tanging saksi sa nagaganap ang tinderang nagtatago sa loob ng tindahan, nangangaykay sa takot.

Kitang-kita ng babaing ito ang paghandusay ni Dagul, patihaya.

 â€œN-nakupo,  patay na yata!” bulong ng tindera sa sarili.

Nasa harapan pa rin ng tindahan ang puting ghost train. Natatanaw ng tindera ang mga nakadungaw na sakay, mga nakapamburol, mga mukhang bangkay. “Nanang ku po…baka kukunin nila si Dagul!”

Bumukas ang pinto ng ghost train. Kitang-kita ng tindera ang paglabas ng matandang babaing puti ang buhok. “A-ang lola ni Dagul!”

Alam ng tindera na nu’n pang isang taon namatay ang matanda. “P-palapit k-kay Dagul…”

Eeee.  Sa sarili lang ng tindera ang tili; siya lang ang nakakarinig. 

Napawiwi na siya sa sumunod na nasaksihan. “Ayy..ayy.”

Gusto na yatang mabaliw sa sindak ng tindera. “Bumangon a-ang kaluluwa ni Dagul… p-pasakay sila n-ng lola niya s-sa tren…”

“Uuunnn.”  Umungol ang tindera. Hinimatay.

BUHAT na ng mga kainuman ang bangkay ni Dagul nang matauhan ang tindera. Ang huli ay dinaluhan ng mga kapitbahay.

“Naku, Juaning, akala namin ikaw na ang kinuha ng ghost train!”

Naalala ni Aling Juaning ang nasaksihan. “N-nakita n’yo rin…?”

“Oo, Juaning. Sumakay sa tren ang kaluluwa ni Dagul at ng lola niya! Nangalisag ang lahat naming balahibo!”

“Nagrosaryo kami, walang tigil…hanggang sa maglaho na ang tren,” naiiyak na sabi ng ginang na sakitin. “Baka ‘ka ko isabay ako kay Dagul…”

“Hu-hu-huuu…walang kaalam-alam si Dagul na ngayon siya matitigok…Hindi handa ‘yung pobre…”

“Aalis muna ako sa lugar na ‘to, Jua­ning. Ako’y hikain pero ayoko pang sumakay sa ghost train na ‘yon,” luhaang sabi ng isa pang kapitbahay.

“Saan naman kayo pupunta, Aling Clara?”

“Sa probinsiya namin. Walang tren doon na nagmumulto.”

Sa di-kalayuan, dinig ng dalagang si Nenita ang usapan ng matatanda. At labis siyang naliligalig. (ITUTULOY)

 

AALIS

ALAM

ALING CLARA

ALING JUANING

AYY

BRVBAR

DAGUL

KITANG

TINDERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with