^

Para Malibang

Pagkaing nakakatulong sa ‘body pain’

The Philippine Star

Hindi maiiwasang minsan ay makaramdam ng sakit sa anumang bahagi ng iyong katawan. Kaya naman agad mong naiisip na bumili ng gamot para maibsan ang anumang sakit o kirot na iyong nararamdaman. Hindi natin alam may mga pagkaing nakakatulong para mawala ang anumang kirot  sa ating katawan. Narito ang ilang uri ng pagkain na makakatulong sa’yo kapag hindi maganda ang pakiramdam:

Red Bell Pepper – Doble ang taglay nitong vitamin C kumpara sa orange. Kailangan ng katawan ang bitaminang ito para mapanatili ang magandang lebel ng collagen sa katawan para magkaroon ng malusog na tissue at joint flexibility. Sa mga isinagawang research ng mga eksperto, ang kakulangan sa vitamin C ay nagdudulot ng sakit gaya ng arthritis. Ang bell pepper din ay may taglay na beta cryptoxanthin para makatulong na mapababa ang sakit na nararamdaman.

Kamote -  Ang kulay orange na kulay nito ay nagtataglay ng beta-carotene na kilala bilang antioxidant na lumalaban sa mga molecules na sumisira sa cells ng katawan. Mahusay itong kainin lalo na ihahalo sa pancake o di kaya ay ima-mashed lang ito.

Luya – Ang ugat nito ay kasing epektibo ng mga anti-inflammatory medicines. Mahusay ito kung gagawing tea lalo na  kung ang masakit sa iyo ay iyong lalamunan.

Salmon – Ang omega-3 fats ay nakakatulong para pababain ang pamamaga ng anumang bahagi ng katawan dahil pinipigilan nito ang produksiyon ng mga  bad molecules sa katawan. Mabuti itong kainin ng mga nagda-diet dahil nakakatulong ito sa mga namamagang bahagi ng katawan.

KAILANGAN

KAMOTE

KATAWAN

KAYA

LUYA

MAHUSAY

NARITO

RED BELL PEPPER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with