‘Butas na lupa’ (54)
MULA sa loob ng butas na lupa, binomba ng mga taga-ibang planeta ang kongkretong takip; sumambulat iyon at nakalabas ang mga military flying cars ng aliens.
Sina Doktora Nunez at Mang Ompong na noo’y malapit sa butas ay tumilapon sa lakas ng pagsabog. “Aaahh! Eeeeee!â€
Gayunma’y himalang nabuhay ang dalawa.
Nagkalat sa paligid ang balde-baldeng hilaw na bagoong na dala ng doktora; ang amoy ay pinalaganap ng hangin.
“Buhay tayo, Mang Ompong! Salamat sa Diyos!â€
“P-Pero naglabasan a-ang mga kaaway, doktora…†WRRRRR. Ingay ito ng mga makina ng flying cars ng aliens. Kita nina Doktora Nunez ang pag-ikut-ikot ng mga ito sa ibabaw ng dagat.
Hindi makalayo.
“M-Mang Ompong..p-palagay ko’y babagsak sila…halos sabay-sabay…†hula ng doktora.
“ Tantiya ko po’y bumubuwelo lang —bobomÂbahin ang isla pati buong bansa…†sagot ng matandang boatman.
“N-nahuli tayo nang dating, Mang Ompong…†Patuloy na paikut-ikot ang lipad ng mga alien forces sa ibabaw ng dagat; parang mga hilong trumpo ang mga ito.
WWWRRRR. Mula ang bagong ingay sa bunganga ng butas na lupa; puwersa rin ng mga taga-ibang planeta.
Sandatahan. Nagliliparan.
:â€Oh my God, Mang Ompong…meron pa pala…†“K-kaydami ng kaaway, doktora…†Napa-sign of the cross ang matanda; ang doktora ay kinilabutan.
BLAMM. Binomba sila.
Hindi na sinuwerte ang doktora at ang matandang bangkero.
Napuruhan sila, parehong agaw-buhay.
“D-doktora, p-paano ang pamilya ko…?â€
“Sori po…Mang Ompong…n-nahuli talaga…ang pangontra…â€
Sa laot, natanaw ng pangkat ng municipal engineer ang unidentified flying forces. Alam agad na hindi iyon taga-daigdig. (ABANGAN)
- Latest