‘The Kiss’ (16)
SA MGA sinabi ni Sam sa kaibigang pari, tungkol sa hiwagang bumabalot kay Natalie, isa man ay hindi pinaniwalaan ng alagad ng Diyos. Kabilang si Father Renzo sa mga tao na naniniwala lamang kapag nasasaksihan ng mga mata; hindi base sa sabi-sabi.
“Hindi po kayo naniniwala sa vampire, aswang, manananggal at iba pang maligno, Father Renzo?â€
Tumango ang pari. “Gaya ng sabi ko, walang solidong ebidensiya na sila’y nag-e-exist, Sam. Kaya hindi ako naniniwalang totoo sila.â€
“Pero naniniwala kayo na merong demonyo?â€
“Oo. Kapag naniwala ka sa Diyos, maniniwala ka ring may demonyo. Ganoong kasimple iyon.â€
Napailing si Sam. Akala pa naman niya’y makukumbinsi niya ang pari na totoo ang nagaganap na hiwaga kay Natalie.
“Hindi po pala ninyo mabebendisyunan si Natalie, ho, Father Renzo?â€
“Hindi ko sinabi ‘yan, Sam. Ang bendisyong banal ay para sa lahat ng humihingi ng pagpapala ng Diyos.â€
Nang hapon ding iyon, binendisyunan ni Father Renzo ang bangkay ni Natalie sa musoleo. Sumaksi sa simpleng seremonya si Sam at ang mga magulang ni Natalie.
Sa pagkakataong ito, nagkaisa si Sam at ang parents ng nobya. Parepareho nilang nais na mapabendisyunan ang bangkay na hindi naaagnas.
Nagpayo na sa binata ang parents ni Natalie. “Iho, why don’t you move on? I’m sure maging si Natalie ay gugustuhing may sarili ka nang buhay. Look for another girl, magpakasal kayo, magkaroon ng pamilya…:â€
Malungkot na ngiti ang sagot ni Sam.
At madamdaming pahayag. “Si Natalie lamang po ang maaari kong mahalin habambuhay ko… kaligayahan ko na pong bantayan siya sa banta ng mahiwagang lalaki.â€
Ang lalaking nanghalik kay Natalie nang sapilitan, ten years ago, ang tinutukoy ni Sam.
BUO na ang pasya ni Sam, simula sa gabing ito, sa musoleo na siya matutulog, kasama ni Natalie. Binuksan niya ang aircon, inilatag ang kanyang portable beddings. May katabi siyang lisensiyadong baril.
“Handa ako sa pagdating ng vampire, Natalie, at sa pagbukas mo uli ng mata. We’ll talk, my love.†(ITUTULOY)
- Latest