^

Para Malibang

‘The Kiss’ (6)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAKATINGIN kay Sam ang lalaking dayuhan, naglalakad sa dilim ng gabi sa loob ng pribadong sementeryo.

Guwapo at matangkad ito. Kinabahan si Sam.

Biglang preno sa kotse ang binata right after na nalampasan niya ang dayuhan. SCREEECHH.

Tiningnan niya ito sa rear-view mirror.

Hindi niya nakita ang lalaki sa munting salamin ng kotse.

Hindi rin niya makita sa side mirror.

Nilingon na niya mismo ang dapat kinaroroonan ng dayuhang lalaki.

“W-wala…saan na nagtago?”

Bumaba siya dala ang flashlight. Baka nakakubli sa likuran ng kotse.

Pinagala niya ang flashlight sa likod at paligid ng sasakyan; pati na rin sa kalapit na area. Napalunok si Sam. “Am’ bilis naman niyang nakapagtago.”

Hindi siya naniniwalang naglaho itong parang bula. Sa laganap na dilim sa kulang-sa-ilaw na lugar, madali talagang makapagtago.

“Pero…bakit siya nagtago?” tanong ni Sam sa sarili. “May masama ba siyang pakay dito?” Nagbalik siya sa kotse, ini-lock agad ang car door. Klak.

Bukas ang engine, bukas ang aircon. Ayaw tumigil ng isipan ni Sam. “Katugma ng description ni Natalie sa lalaking nanghalik sa kanya ang nakita ko ngayon…”

Nagdaan siya sa main gate ng private cemetery, kinausap ang mga security guards. “Natitiyak kong nagtago ang dayuhang lalaki. Baka may masamang motibo.”

“Pero, Sir Sam, wala po talagang pumasok na lalaking mukhang foreigner. Kahit nga ho local na lalaking Pinoy, wala na kaming pinapasok. Lampas na ho kasi sa business hours.” Ipinakita ng mga sekyu ang kanilang log book. Itinuro pati CCTV sa gate.

“Paano kung sa perimeter wall dumaan?” argumento ni Sam.  

“Sir, bukod ho sa super-taas ng pader natin, naka-barb wire pa—Malabo hong may makapasok.”

“Anyway po, sir, nakaalerto na ho ang mga guwardiya. Hindi makakaporma ang intruder sakaling meron nga,” magkasunod na paliwanag kay Sam ng mga sekyu. (ITUTULOY)

 

             

AYAW

BIGLANG

BUKAS

BUMABA

GUWAPO

PERO

SAM

SIR SAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with