Pamahiin Kapag May Libing
Upang maiwasan ang sunud-sunod na kamataÂyan, narito ang sinusunod na pamahiin ng matatanda:
Huwag lilingon sa kabaong kapag inilalabas na ito sa bahay, simbahan o funeral parlor. Diretso lamang ang paglalakad patungo sa paglilibingan.
Pagkatapos matakpan ang nitso at paalis na sa sementeryo, iwasang lingunin ang puntod ng namatay.
Huwag isasama ang rosaryo sa paglilibing ng patay.
Ang mga sampagita o anumang bulaklak na ginawang kuwintas ay gupitin o lagutin bago isama sa hukay.
Sa araw ng paglilibing, pagkalabas ng kabaong sa bahay ay magbasag ng palayok na may lamang tubig. Ito ay simbolo ng pagbasag ng masamang kapalaran at para wala nang sumunod na mangyaring pagluluksa.
- Latest