^

Para Malibang

‘The Beautiful Ones’ (21)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NADAGDAGAN ng tatlo ang mga  ipinapatay ni Oreo sa mga alagad na zombie. Dinaan niya sa biro ang usapan nila ng demonyo. “Did you hear me, Satanini?  Hindi mo makukuha ang aking kaluluwa—dahil wala akong kaluluwa! Ha-ha-ha-haa!”

Naghahabol na ng oras si Oreo. Kung sakaling matigok siya nang maaga, kaila­ngang maganap na ang kanyang paghihiganti-- sa taong labis na nagpahirap at nang-api sa kanya noon.

“Tiyo Berong, your days are numbered! Gugutayin ka namin nang buhay! Walang malalabi sa katauhan mo, matandang super-lupit!”

Sakay na naman si Oreo ng kanyang family van, lulan ang magagan­dang alagad. Mabilis ang patakbo niya sa dilim ng gabi.

Ayon sa impormasyon niya, nasa dating bahay pa rin sa bayan ang tiyuhin. “Mas madali kitang matutunton, Tiyo Berong! Makikilala mo pa ba ako, ha? Ngayong ang ganda-ganda ko na at super-yaman?”

SA bayan, gising pa ang matanda, taimtim na nagdarasal bago matulog. Nag-iisa na ito sa buhay, alaga ng sari-saring sakit; isang kahig-isang tuka.

Nagsisilbi ito sa simbahan bilang hardinero. Binibigyan ng pagkain sa araw-araw ng buti­hing pari.

Ewan pero naramdaman nitong may takdang maganap sa gabing ito.

“Ngayon na ba ang kamatayan ko?” tanong ni Tiyo Berong, sa sarili lamang.  Isinunod ang hiling.“Panginoong Diyos, sana po ay huwag Mong pabayaan ang kaluluwa ko… handa po akong tumanggap ng parusa…”

Sa labas, narinig ni Tiyo Berong ang pagtigil ng sasakyan. Sinilip niya sa siwang ng pinto.

Tama ang matanda, sa tapat nga ng bahay huminto ang family van.

Sa malamlam na liwanag mula sa poste, nakilala niya ang di-inaasahang mga panauhin.

Naunawaang may kasama ang nag-iisang tao; mga nilalang na hindi na buhay.  Kinilabutan ang tiyuhin. “Panginoon…”

Narinig niya ang katok sa pintuan. Iiwas ba siya?

“T-Tuloy kayo, Oreo.”

Mangha ang bakla. Wala na palang surpresa, nakilala na siya ng tiyuhin.  (ITUTULOY)

 

 

AYON

BINIBIGYAN

DINAAN

EWAN

GUGUTAYIN

OREO

PANGINOONG DIYOS

TIYO BERONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with