Last Part
Naniniwala ang maraming health care expert sa iba’t ibang bahagi ng mundo na ang pag-alala sa acronym na “ FAST†para makatulong na matukoy ang stroke at maiwasang ang pangmatagalang pinsala nito.
F para sa Face: Kung ang mukha ng isang tao ay mukhang kakaiba kaysa sa karaniwan niyang itsura?
A para sa Arm: Kung mapapansin mo na nakalaylay ang isa niyang braso?
S para sa Speech: I-tsek kung makakabigkas ba siya ng malabo o kung may iba pang palatandaan ng problema niya sa pagsasalita.
T para sa Time: Agad tumawag sa emergency hotline para makakuha agad ng atensiyong medikal.
Sa maraming kaso ng stroke, tinukoy na pinaka-karaniwang gamutan para dito ay ang tissue plasminogen activator, ang “clot-busting†treatment na kilala rin bilang TPA. Dito, ipinadadaan ang gamot sa artery o vein para matunaw ang cloth at maibalik ang pagdaloy ng dugo sa utak.
Ang revascularization ay isa pang treatment kung saan inilalagay ang micro-catheters sa loob ng artery para matanggal ang bumara sa ugat.
Isang preventive measure rin laban sa stroke ang pagbabago ng lifestyle, na makakapagligtas ng inyong buhay.
Ang stroke ay isa sa mga pangunahing sakit na nakamamatay sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Pero ang magandang balita ayon sa mga experts, nasa 80 porsiyento na maiisawan ito.
Ilan sa mga pagbabago sa iyong lifestyle na maaaÂring baguhin ay ang mga sumusunod:
Bawasan ang pagkonsumo ng asin. Mapapababa nito ang blood pressure, alinsabay sa pagbaba rin ng panganib ng stroke. Maaaring gawing alternatibo ang iba pang mapagpipiliang spices para sa pagtitimpla ng inyong pagkain.
Sikaping magkaroon ng healthy diet. Bawasan ang LDL o bad cholesterol.
Tanggalin na ang nakasanayang paninigarilyo at mag-exercise.