‘The Lonely Ghost’ (24)
NAKAUPO sa ibabaw ng eroplanong patungo sa Maynila si Clarissa. Tinakasan na ng lahat ng pag-asa ang malungkot na multo.
“BIGO TAYO, RAYMUNDO. AT DAHIL WALA KA RIN LANG, HINDI NA LANG AKO AAKYAT SA LANGIT…MAS GUSTO KONG MAGDUSA SA KABIGUAN…â€
Si Clarissa, ang multo, ay nasa ibabaw ng pilot’s cabin. Umaalingawngaw sa himpapawid ang kanyang hinaing at iyak. “HU-HU-HUU. RAYMUNDOOO…â€
Nagaganap ang himala kahit saan. Kahit kanino—maging sa mga multong nabuhay at namatay sa pag-ibig.
May napaigtad sa dulo ng eroplano, sa ibabaw ng hulihang pakpak.
Nasagap nito ang tinig na pamilyar. Napatayo ito, tumanaw sa malayong unahan ng eroplano.
Nabuhayan ito ng loob. Hindi napigil ang galak. “CLARISSAAA!â€
Napalingon si Clarissa, nabanaagan ang aninong puti, tumatakbo-lumilipad sa ibabaw ng eroplano. “Panginoong Diyos…â€
Nakilala niya ang kapwa multo. “RAYMUNDO!â€
Nagyakap ang dalawang naghahanapan, lunod sa tuwa. “Clarissa, akala ko’y hindi mo na ako nahintay, aking mahal! Kaytagal-tagal akong naghanap sa iyo—sa 1890!†“Raymundo, bakit ngayon ka lang? Nakita ko ang pagpaslang sa iyo sa Chicago…†“Mahabang istorya. Naligaw ako ng landas, napasama sa mga gangster sa Amerika. Nagbalik-loob ako sa Diyos bago ako namatay…aywan kung ako’y papapasukin sa langit, kasama mo…â€
“Laging may pang-unawa sa kahinaan ng tao ang ating Diyos, aking irog.†Muling niyakap ni Clarissa ang pinakamamahal.
Bago naglanding sa Manila ang eroplano, nagpaiwan na sina Clarissa at Raymundo sa ulap.
“Bakit hindi ka na matanda, Raymundo? 65 ka nang mapatay…â€
“Clarissa, niloob marahil ng Diyos na maging magkasinggulang tayo—sa kabilang buhay.â€
DIYOS lang ang nakakaalam kung sila’y nakapasok sa langit.
Siguro naman. Siguro.
WAKAS (Up Next: The Beautiful Ones)
- Latest