Kailan dapat maalarma? (1)
Parami na nang parami ang mga kaso ng aÂneurysm na nagreresulta sa pagkasawi nang hindi iilang dumaranas nito. Para maintindihan natin ang posibleng peligro ng sakit na ito, dapat magkaroon muna tayo ng ideya kung ano ang aneurysm.
Ang sakit na ito ay kaugnay sa nagiging abnormalidad ng ugat, maaaring abnormal na paglapad o paglobo ng ugat dahil kahinaan ng blood vessel. Ayon sa mga espeyalista, ang panganib sa sakit ay ang posibleng pagputok, pagtalsik ng dugo na nasa paligid ng blood vessel.
Karaniwang apektado ng kondisyong ito ng ugat ay ang aorta, ang pinakamalaking ugat na nag-uugnay sa puso at sikmura, tinatawag itong aortic aneurysm o abdominal aortic aneurysm; puwede rin sa dibdib o thoracic cavity ( thoracic aortic aneurysm), ang iba pa ay ang brain aneurysm, peripheral artery aneurysms na kadalasang tumatama sa popliteal artery— likurang bahagi ng mga tuhod, mesenteric artery— bituka, femoral artery— groin o mga bahagi sa pagitan ng hita at sikmura, splenic artery— spleen. (Itutuloy)
- Latest