‘Haunted hospital’ (6)
TATLUMPUNG pasyente ang kasalukuyang naka-confine sa Hope Hospital. Dahil walang nag-aaplay na nurse sa pinagkakatakutang pribadong pagamutan, ang dadalawang nurse dito—sina Nurse Armida at Nurse Olga—ay mag-aasikaso ng tig-labinlimang pasyente.
Sa lengguwahe ng mga narses, ang ganitong sitwasyon ay tinatawag nilang ‘toxic’, ‘nakamamatay’ sa pagod.
Ang nag-iisang doktor—si Dok Robles-- ay nais ding mataranta; bale ito ang mag-isang titingin sa mga pasyente.
Gaya ng kaso sa mga nurses, wala ring magkamaling mag-apply na resident doctor sa Hope Hospital. Kung may dumarating na doktor mula sa labas, ang mga ito ay pinakiusapan lang ng mga pasyente. “Meron kaming doktor dito na napakabait at mapagmahal sa mga pasyente--laluna sa charity ward. Kaso, maagang namatay si Doktor Peter Medina. Car accident sa probinsiya—noong 34th birthday niya last year.â€
Nanghinayang si Nurse Olga. “He is too young to die, Nurse Armida. Mahusay po ba siya?â€
“Oo, super-galing mag-opera. So far ay wala pang namamatay sa emergency cases na nahawakan niya. Siguro’y dalawang dosena na. At kahit pagod na pagod na sa duty, hindi tumatanggi sa pasyente si Dok Peter.â€
“Hmmm. Nakakahinayang naman siya, Nurse Armida. Marami pa sana siyang maililigtas na pasyente.â€
“Super-galing din namang surgeon si Doc Robles, in fairness, Olga. Kaso nga, dahil may-edad na, madali nang mapagod…â€
Ipinakita kay Olga ng may-edad na ring nurse ang larawan ng yumaong batambata pang duktor.
Hindi napigil ang paghanga ni Olga sa kakisigan ni Dr. Peter Medina.
“Kawawa naman siya, Nurse Armida.â€
“Bale ba ay ikakasal na sa long-time girlfriend…†Lalong naawa si Olga. “Mabaliw-baliw siguro ‘yung girlfriend?â€
“Noong una, oo. Pero after 4 months, nag-asawa na sa ibang doktor ‘yung girl. Moving on ang drama.†Nag-no comment si Olga sa ginawa ng girlfriend; ayaw niyang manghusga ng kapwa.
TANGHALI, habang dala ang arinola para sa pasyente, biglang napatili si Nurse Olga, super-lakas. “EEEEEE!†(Itutuloy)
- Latest