^

Para Malibang

“May Impakta sa tiyan ko” (29)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAGWAWALA na talaga si Morgama alias impaktang taga-ibang planeta. Matapos maminsala ng fishing boat sa di-kalayuan sa Spratleys, ang nais namang i-terrorize ay ang nasa himpapawid.

Mga lawin at agilang kaytataas ng lipad.

Pinagbabaril ito ng spaceship. Mas tamang sabihing pinasabog ang malalaking ibon. Braam. Blamm.

Balewala sa impakta ang pumatay ng anumang taga-daigdig.

Napatingala ito, may nakita.

Eroplanong patungong domestic airport, nasa tapat ng karagatan.

WRRRR.  Lumakas ang sound ng spaceship ng impakta, habol na ang eroplano. Ga-butil lang ng munggo ang spaceship kumpara sa eroplano.

Isang batang babaing lulan ng eroplano ang nakapansin sa nasa labas ng bintana, sa ibabaw ng ulap.

“Mommy, tingnan mo po!”

Napamaang ang ina. “Oh my God…”

“It’s a flying toy, Mommy! Ganda-ganda!”

Ewan kung nais magpasikat ng impakta, lumabas ito sa spaceship at sumabay ng lipad, kaagapay ng eroplano.

Nakita rin ito ng batang babae. “May pangit na bruha! Lumilipad din po, Mommy! There!”

Nabasa na ng ina ang tungkol sa spaceship at impaktang mula sa ibang planeta; alam nang ito’y nagte-terrorize ng mga tao.

“Baby, anak…h-hindi laruan ‘yang m-mga n-nakikita mo sa labas…”

“Ano po ba sila, Mommy?”

Takot na takot ang magulang.  “S-Sila, anak, ay t-taga—”

Ang sasabihin ng ina ay naunahan ng utos ni Morgama-- sa spaceship.

BOOOMM. Binomba nito ang eroplanong nasa ere.

EEEEE! Sigawan ang mga pasahero; alam na may kung anong nagpasabog sa eroplano. AAAAHHH!

Tinamaan ang kanang pakpak ng eroplano, nagsimulang bumulusoK.

Tanaw ng ilang tao sa ibaba ang nagaganap sa himpapawid. Naalarma ang mga ito. “EEEE! BABAGSAAAK!”

Sa dagat nag-crash ang eroplano. SPLAASSH.

 Tuluy-tuloy sa ilalim, sa mga corals.

(2 LABAS)

ANO

BALEWALA

BINOMBA

BLAMM

BRAAM

EROPLANO

EROPLANONG

EWAN

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with